Hindi ko natanggap ang verification code ng SplitEase

Sina-sign in ka ng SplitEase gamit ang 6-digit na code na ipinapadala sa pamamagitan ng SMS sa iyong numero.

Mga hakbang

  1. Tingnan kung tama ang numerong nasa screen. Kung hindi, i-tap ang Palitan (Change) at ilagay itong muli.
  2. Maghintay ng isang minuto. Puwedeng maantala ang mga mensahe dahil sa network mo.
  3. I-tap ang Hindi natanggap? (Didn't get it?). Pagkalipas ng 60 segundo, magiging available ang Ipadala ulit ngayon (Resend now). I-tap ito para makakuha ng bagong code.
  4. Siguraduhing may signal ang phone mo at hindi nito bina-block ang mga mensahe mula sa hindi kilalang sender.

Kapag sobrang dami ng pagsubok, hihilingin sa iyong maghintay ng ilang minuto bago sumubok ulit.

Wala pa ring code? Makipag-ugnayan sa amin at ibigay ang numerong ginamit mo.

Hindi pa available ang SplitEase app sa wikang ito. Ang mga pangalan ng button na nasa bracket ang makikita mo sa screen.

Mga kaugnay na tanong

Kailangan mo pa ng tulong?

Sumulat sa amin at sasagot ang isang tao mula sa SplitEase team.

Makipag-ugnayan sa support
Wika: Filipino