Paano mag-scan ng resibo para magdagdag ng gastos?
Binabasa ng pag-scan ng resibo ang total at mga detalye mula sa bill para hindi mo na kailangang i-type ang mga ito. Bahagi ito ng SplitEase+.
Mga hakbang
- I-tap ang button na +, saka ang I-scan (Scan).
- Kunan ng litrato ang buong bill, o piliin ang Gallery (Library) o PDF para gumamit ng file na mayroon ka na.
- Tingnan ang mga detalyeng nakita ng SplitEase at i-tap ang Gamitin (Use).
- Suriin kung sino ang nagbayad at paano ito hinati, saka i-tap ang I-save (Save).
Ina-upload ang larawan sa SplitEase para mabasa ito. Tingnan ang aming Privacy Policy para malaman kung paano ito pinangangasiwaan.
Puwedeng magkamali ang scan. Laging tingnan ang halaga bago mag-save.
Hindi pa available ang SplitEase app sa wikang ito. Ang mga pangalan ng button na nasa bracket ang makikita mo sa screen.