Paano magbayaran ng utang sa isang tao?
Itinatala ng SplitEase kung sino ang may utang kanino, pero hindi ito humahawak ng bayad. Bayaran ang tao sa paraang nakasanayan mo, saka itala ito sa app para ma-update ang balanse ninyong dalawa.
Mga hakbang
- Buksan ang grupo at i-tap ang Magbayaran (Settle up).
- Kung ikaw ang nagbayad sa isang tao, i-tap ang Itala ang bayad (Record payment) sa tabi ng pangalan niya, tingnan ang halaga at kumpirmahin. Puwede mong itala ang bahagi lang ng utang mo.
- Kung may nagbayad sa iyo, i-tap ang Markahang natanggap (Mark as received) sa tabi ng pangalan niya at kumpirmahin.
Para makita ang mga nakaraang bayad, i-tap ang History sa parehong screen.
Hindi pa available ang SplitEase app sa wikang ito. Ang mga pangalan ng button na nasa bracket ang makikita mo sa screen.