Paano i-edit o burahin ang isang gastos?
Puwede mong itama ang gastos kahit na-save na ito. Makikita ng lahat sa grupo ang na-update na balanse.
Mga hakbang
- Buksan ang grupo at i-tap ang gastos.
- Para baguhin ito, i-tap ang I-edit (Edit), gawin ang mga pagbabago at i-tap ang I-save (Save).
- Para alisin ito, i-tap ang button na ⋯, saka ang Burahin (Delete), at kumpirmahin.
Hindi na maibabalik ang gastos na binura.
Hindi pa available ang SplitEase app sa wikang ito. Ang mga pangalan ng button na nasa bracket ang makikita mo sa screen.